https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10153376580649183&set=a.10151306823959183.494481.550599182&type=1&theater
Ikaw ang liwanag at apoy
Ang ating tubig at pagdaloy;
Ngiti mo’y kislap ng bituin;
Titig mo’y gabing maningning.
Ngunit yakap mo’y wala nang laman;
Pisngi mo’y may bahid ng luha;
Ang bumubulong ng pagluksa;
Umaga’y nahimbing ng di kusa.
Panaginip kang lumulutang;
Hindi mahagip kahit sundan;
Sinta bakit ako iniwanan?
Para sa ligalig ng bayan.
Sumulong ng sintang katapatan;
Abot tanaw na lang pagmasdan;
Ang kay layo at lugmok na bayan;
Ang anino mong magisa sa larangan.
Pinagdikit kang ligaya at lupit;
Sanlibong langit sa isang saglit;
Sanlibong sakit sa bawat halik;
Pinagbigkis kang ligaya at lupit.
Ang ating tubig at pagdaloy;
Ngiti mo’y kislap ng bituin;
Titig mo’y gabing maningning.
Ngunit yakap mo’y wala nang laman;
Pisngi mo’y may bahid ng luha;
Ang bumubulong ng pagluksa;
Umaga’y nahimbing ng di kusa.
Panaginip kang lumulutang;
Hindi mahagip kahit sundan;
Sinta bakit ako iniwanan?
Para sa ligalig ng bayan.
Sumulong ng sintang katapatan;
Abot tanaw na lang pagmasdan;
Ang kay layo at lugmok na bayan;
Ang anino mong magisa sa larangan.
Pinagdikit kang ligaya at lupit;
Sanlibong langit sa isang saglit;
Sanlibong sakit sa bawat halik;
Pinagbigkis kang ligaya at lupit.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=3398096273564&set=a.3005714784272.2126336.1304464575&type=3&theater